Paano Kami Tumutulong

Sama-samang nagsusumikap ang mga miyembro ng wireless industry sa California upang manatiling malakas at matibay ang ating mga network, at maging handa ito para sa mga emerhensya. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan subalit maaari tayong maghanda para sa anumang emerhensya.

Sinisikap ng mga wireless carrier sa California na magbigay ng ligtas, matatag, at maaasahang serbisyo kapag may mga emerhensya. Gumagamit kami ng ilang mga paraanan upang manatiling malakas ang aming mga sistema at patuloy na tatakbo kahit may emerhensya. Kabilang sa mga paraanan ang:

  • Back-up power — Kung saan maaari, nag-iinstala kami ng mga baterya sa aming mga cell site, gayundin mga generator sa aming mga napakahalagang site sa buong estado upang patuloy na makakatakbo kapag walang commercial power. Nagkakabit din kami ng mga pansamantalang generator upang madagdagan ang aming kakayahan.
  • Mga Portable cell site — Kung saan maaari, mag-iinstala kami ng equipment upang makapagbigay ng serbisyo sa mga lugar na may limitado o walang serbisyo. Sa kalahatan tinatawag namin itong equipment Cells on Wheels (“COWs”) o Cells on Light Trucks (“COLTs”)
  • Overlapping coverage, o Nagkakasanib na coverage — Sa kalahatan dinisenyo ang aming mga network upang makapagbigay ng tiyak na overlapping coverage. Sa gayon kahit hindi tumatakbo ang isang cell site, kadalasan maaaring magamit ng mga nawalan ng serbisyo ang ibang (mga) malapit na cell site at patuloy kaming makakabigay ng serbisyo sa isang emerhensya.
  • Cross network 9-1-1 access — Dinisenyo ang mga wireless network upang mabuo ang mga 9-1-1 na tawag mula sa customer ng ibang carrier habang hindi nakakabigay ng serbisyo ang kanyang carrier, kung compatible ang kanyang cellphone.

Siyempre, may mga tiyak na situwasyon kung saan hindi makakakuha ng wireless service dahil sa isang natural na desastre o isang pagpatay ng commercial power. Sinisikap naming bawasan ang mga situwasyong iyon.

Nagbibigay din ang mga wireless carrier sa California ng karagdagang tulong at panustos na magsusuporta sa mga customer kapag may emerhensya. Maaaring kinabilangan ng tulong na ito ang pagtatayo ng mga coverage/hot spot sa mga shelter o evacuation center at pagbibigay ng mga charging station, at loaner mobile phone sa mga miyembro ng publiko, dagdag sa tubig, mga panustos at mga bagay para sa personal na pangangalaga. Maaari din payagan ng wireless carrier na iliban ng mga customer ang kanilang mga bayad o magbayad sila ng konti-konti para sa mga tiyak na singil para sa data, talk, at text para sa mga tiyak na panahon o ipagpaliban ang panahon ng pagbayad para sa serbisyo. Mangyaring kontakin ang inyong carrier upang matuto ng higit tungkol sa kanilang mga ginagawa para sa mga customer kapag may emerhensya.

Mayroong impormasyon din ang California Public Utilities Commission tungkol sa mga proteksyon ng customer kapag may mga emerhensya.