Manatiling Ligtas
Ngayong mayroong mobile phone ang halos lahat ng mga naninirahan sa California, kadalasan napakahalaga ang papel ng wireless service sa pagsisiguro na konektado ang lahat ng tao kapag mayroong emerhensya. Heto ang ilang tip sa ibaba na makakatulong sa inyo kapag may emerhensya.
- Pakinggan nang mabuti ang lahat ng mga babala ng mga pampublikong ahensya.
- Upang maabot ang 911, tawagan kung maaari o padalhan ng text kung hindi. Kapag maaari, alamin muna ang detalyadong impormasyon tungkol sa inyong kinaroroonan.
- Gumawa ng mga voice call tanging kapag kinakailangan.
- Kapag maaari, gamitin ang text messaging, email, o social media upang ibalita ang inyong katayuan sa inyong mga minamahal.
- Gawing maikli ang inyong mga mensahe.
-
Pahabain ang buhay ng baterya ng inyong cellphone.
- Ilagay sa power saving mode ang cellphone.
- Isara ang mga app na hindi ginagamit at i-off ang mga push notification (mga pop-up messages ito na nakukuha ninyo kung minsan mula sa apps sa inyong device). Kontakin ang inyong carrier kung mayroon kayong mga katanungan.
- Huwag mag-stream ng mga sine o video maliban kung kinakailangan.
- Isara ang mga app na hindi ginagamit at patayin ang mga push notification (ito ang mga pop up message na nakukuha ninyo kung minsan mula sa mga app sa inyong device). Kontakin ang inyong wireless carrier kung may mga katanungan.
- Alamin kung bukas ang lokal na tindahan ng inyong carrier o local shelter at maaari ninyong i-charge ang inyong mobile phone doon.