Paghahanda para sa isang Emerhensya
Sabi ni Alexander Graham Bell, “Higit sa lahat, napakahalaga sa pagtatagumpay ang paghanda.” Sumasang-ayon kami sa kanya. Sa ibaba mayroong mga tip na makakatulong sa inyong paghanda para sa isang emerhensya.
Paano Dapat Handain ang Inyong Wireless Device para sa mga Emerhensya:
- Siguruhin na laging naka-charge ang inyong cellphone.
- Magsaalang-alang ng isang external charging device, gaya ng isang external battery. Siguruhin na lagi itong naka-charge at madaling maabot.
- Mag-download ng mga emergency app, kabilang ang mga app ng FEMA, AccuWeather, at Red Cross Emergency. Makakatulong sa inyo ang mga ito kung gusto ninyong malaman ang pinakabagong balita habang nangyayari ang mga emerhensya.
- Kung wala kayong sasakyan o mga flashlight app sa inyong cellphone, isipin na dapat ninyong i-download ang mga ito kung sakaling kailangan ninyong mag-evacuate at madilim o wala kayong koryente.
- Ilagay sa address book ng inyong cellphone ang impormasyon ng mahahalagang mga contact, kabilang mga miyembro ng inyong pamilya at mga kaibigan, pulis, bombero, ospital, paaralan, at beterinaryo.
- Kung isa kayong magulang o tagapag-alaga, alamin kung paano kayo aabisuhan ng paaralan ng inyong anak kapag may emerhensya.
- Alamin ang mga hakbang na dapat ninyong gawin upang mapahaba ang battery life ng inyong cellphone, kabilang ang paggamit ng airplane mode at pagbaba ng brightness ng inyong screen. Gayundin, maaari ninyong ilagay ang inyong cellphone sa power saving mode at/o i-adjust ang mga settings upang masiguro na mas mabilis pupunta sa sleep mode ang screen ng inyong cellphone.
- Siguruhin na makakakuha sa inyong device ng mga notification mula sa Wireless Emergency Alerts (WEA) kung sinusuporta ng inyong cellphone itong feature. Kung naglagay ng block sa inyong device laban sa mga mensahe mula sa WEA, i-unblock naman.
- Upang manatiling konektado, i-set up ang Wi-Fi calling sa inyong cellphone. Para sa mga Apple phone, pumunta sa Settings > Phone > Wi-Fi Calling. Para sa mga Android phone, pumunta sa Settings > More Connection Settings > Wi-Fi Calling.